Friday, February 19, 2016

#JamesCyril Lovestory

#JamesCyril Lovestory

Chapter 1 Part 1

May 2009 - June 2009

Almost 1 month naging mga kaklase si James at Cyril sa subject na Philippine Literature. Naging magkaklase sila sa kadahilanang si Cyril ay dating estudyante ng (Saint Louis University) SLU Baguio at kumukuha siya ng BSIT year 2008. At dahil sa mahina ang katawan ni Cyril madalas siyang magkasakit kaya naman nag desisyon siya at ang magulang niya na lumipat na lang.

(Panpacific University North Philippines) PUNP ang napili ni Cyril na eskwelahan na pasukan at dun niya ipinagpatuloy ang kurso niya na BSIT. Habang si James naman ay dating Nursing student sa University of Baguio. Bunso si James sa apat na magkakapatid. Pangarap ng daddy ni James na maging seaman pero dahil hindi natupad ng daddy niya yun, Kaya si James ang nagpatuloy sa pangarap ng daddy niya. Halos lahat ng mga kamag anak ni James ay seaman. Kaya naman lumipat ng eskwelahan si James at PUNP din ang napili niya. Dun nagumpisa siya ulit magaral.

At dahil pareho silang transferee naging international section sila. Wala silang permanenteng mga kaklase, halos sa lahat ng subject ay iba't iba ang kaklase nila. Nahahalo sila sa mga kumukuha ng kursong BS Education, at BS Nursing at sa iba't ibang kurso pa. Araw araw ibat ibang tao ang nakakasalamuha nila.

Pagkatapos ng isang semester. Napag isipan ni Cyril mag summer class, para mabawasan ang subject niya, kahit napilitan siya, nahihiya kasi siya sa mommy niya.

Gustong gusto ni James mag aaral, ayaw niyang mag bakasyon kaya pinili niyang mag summer class nalang at para na rin mabawasan ang subject niya next sem.

Sa subject na Philippine Literature sila naging magkaklase.

Cyril is a shy type of girl, Yung tipong sasagot lang siya kapag tinatanong siya. Ganun din si James. Hindi gaanong nakikipag usap si Cyril sa mga kaklase niya, tahimik lang siya, nahihiya kasi siya sa mga BS Education at BS Nursing students na kaklase niya.

James is also a shy type of guy, nag eenjoy siya sa pag aaral, gusto niya palagi siyang may natutunan, malinis siya manamit,mabango, mabait, masipag pumasok at palangiti. Other students see him as suplado, pero hindi yun totoo. James has a warm heart.



#JamesCyril Lovestory


Chapter 1 Part 2

One day………Sa Philippine Literature Class

Professor Kulas: Good Morning Class! Welcome to Philippine Literature. I will be your Professor, Just call me Sir Kulas. I want all of you to introduce yourself in front.

Matapos ang pagpapakilala ng lahat, nawala ang kaba ni Cyril, dahil may dalawang babaeng naging malapit kay sa kanya. Si Angela at Lyn.

Angela: Hello! ano nga ulit name mo?
Cyril: Hi! Cyril :)
Angela: Tabi tayo, okay lang?
Cyril: Oo naman :)
Lyn: Pwede din ba ako tumabi sa inyo? I’m Lyn.
Angela, Cyril: Sure!

Simula noon ay madalas ng magkakasama si Cyril, Angela at Lyn.Tuluyan ng nawala takot at kaba ni Cyril simula ng may mga kaibigan at may nakakausap na siya sa eskwelahan.

Si James ay nakaupo sa likuran ni Cyril, katabi ni James si Dan. Si Dan at James ang madalas magkasama sa eskwelahan, dahil si Dan lang ang classmate ni James sa Maritime, bestfriend ang turingan nilang dalawa, kay Dan lang sinasabi ni James ang mga sikreto niyang malulupit.

Nagsimulang magka crush si Cyril kay James dahil napapansin nito na matalino, mabait, maayos at malinis siyang manamit. Walang pinag sabihan si Cyril na crush niya si James, dahil kahit kelan hindi siya nagkagusto sa lalake, kaya puro nakaw tingin si Cyril kay James.

Na love at first sight agad si Cyril kay James. Hindi niya alam kung bakit kinikilig siya tuwing nakikita niya si James. Yung tipong nabigyan ng kulay ang boring niyang buhay. Araw araw ay exited siyang pumasok sa klase.

Si James ang paboritong estudyante ni Professor Kulas. Parati siyang tinatawag sa klase dahil matalino siya.


Dan: James! May graded recitation bukas!
James: Kaya natin yan! Madali lang yun!
Dan: Inuulit ko! graded recitation!! Panigurado ikaw nanaman ang laging tatawagin ni Sir! Paborito ka talaga niya noh?!
James: Uy hindi naman:)
Dan: James! Idol na kita!
James: Hahahaha!





#JamesCyril Lovestory


Chapter 1 Part 3


Pagtatambalan ni Angela at James


Dahil si James ay masipag  pumasok, pinaka magaling at paborito sa klase, Bukod kay Cyril , maraming ang nakaka pansin sa kanya.
Hanggang sa isang araw ay tinukso siya ng mga kaklase niya kay Angela……

Si Angela ay kaibigan at laging kasama ni Cyril, Maganda, matangkad at matalino.


Ganito araw araw sa klase…………


“Uuuyy! nanjan na si Dreamboy!”
“Anjan na din si Angela!”
“Bakit hindi natin pag tabihin si Angela at si Dreamboy?”
“Oo nga!!! Pagtabihin natin sila!”
“Uuuyyy! nakaka kilig naman sila!”
“Meron na tayong muse and escort sa klase!”
“Tignan mo perfect match talaga sila!”
“Sir Kulas! Pwede bang magka tabi nalang sila?”


Sir Kulas: Pwede naman! kung okay lang sa kanilang dalawa.


“Pagtabihin na yan!”
“Ipakasal na yan!”
“Bagay na bagay talaga sila!”
“Parehong matalino,parehong maganda at gwapo!”
“Pareho naman silang single e!”

Ganun pa man kahit gaano sila asarin sa klase, hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na maging close sa isat isa at makapag usap. Puro lang sila ngitian sa isat isa habang inaasar sila ng kanilang mga kaklase.


Hindi nagkaroon ng Gf si James nung nag aaral siya sa PUNP, pilit siyang hinahanapan ni Dan ng Gf.


Dan: James! Ayun si cute (Cyril) oh dumaan!
James: Ssshh! wag ka nga maingay!
Dan: Bakit? Cute naman talaga siya ah...hindi ba?
James: :)


Dan: Ano gusto mo sa babae?! Sexy?
James: Ayaw! pag tumaba yan wala na yan!
Dan: Maputi?
James: Ayaw! pag naarawan yan, pangit na yan!
Dan: E ano palang gusto mo?
James: Gsto ko ung unang tingin plang eh masasbi ko na all in na.
Dan: Ay hindi ka choosy bro!


Dan: Nakikita mo ba yung nakikita ko?
James: Ha? Saan?
Dan: Ayun oh si cute (Cyril) nasa Canteen!


Sumigaw si Dan…………………………

Dan: Uy si cute oh!!!!
Sabay tago sila sa likod ng pinto ng isang  classroom, at habang nagtatago sila sinisilip nila si Cyril. Sa mga panahong toh nakakaramdam si James ng pagka gusto kay Cyril, hindi nga lang niya ito pinapakita dahil hindi siya showy pag dating sa feelings niya, at inaasar siya kay Angela.


Tuwing makikita ni Dan at James si Cyril at tinatawag nila siyang cute...
Hindi naman ito masyadong binibigyan ng pansin ni Cyril dahil akala niya si Angela ang type ni James. Kaya kinikimkim nalang ni Cyril ang nararamdaman niyang kilig.


Sa twing tinutukso si Angela at James sa isat isa, tahimik lang si Cyril. Kunwari walang naririnig, kunwari walang nakikita. Pero lihim na nagseselos at nasasaktan. Walang nakaka alam, wala siyang pinagsasabihan ng nararamdaman niya. Ganun pa man patuloy pa rin ang lihim niyang pagtingin kay James kahit masakit para sa kanya tinitiis nalang niya ito dahil kailangan niyang pumasok at kaibigan niya si Angela.


Walang kaalam alam si Cyril na crush din pala siya ni James. Si Dan lang nakaka alam, dahil best friend niya si James at lagi silang magkasama at nakatambay sa apartment ni James twing vacant nila. Malapit lang kasi sa school ang apartment ni James, its just 20 meters away.






#JamesCyril Lovestory

Chapter 2  Part 1


After Summer Class…


Announcement: Attention! We need a representative! There will be a search for representative later here in our school for Regional Institution of Higher Education Pageant.  Other schools here in Pangasinan will also compete. Those who are interested, please proceed to the main building at 3pm. Thank you and Goodluck!


Since si Angela ang may hawak ng title ng Ms. PUNP, siya female representative para sa pageant.

At dahil na exposed na din si James sa School sinalang siya sa interview agad agad. Hindi na siya nagpakipot dahil active siya sa school activuties, pagkatapos ng interview, napili siya pra sa Mr. PUNP.

Dito na nagsimulang maging close si Angela at James.


Insert picture here....


James: Akala ko matatalo na tayo kanina eh!
Angela: 2nd ruuner up, not bad!
James: Thank you pala kanina ha?
Angela: Anytime! Kinakabahan nga ako kanina e.
James: Ako din naman e.
Angela: Thank you din kanina ha..?
James: Anytime! Ang galing natin!
Angela: Congratulations to the both of us!
James: Sa uulitn!
Angela: Oo ba! ;)

At nasundan pa ito ng stage play sa school.
Pinagtambal ulit si James at Angela sa stage play na Urduja


Insert picture here…..


Hindi na naiilang sa isat isa si James at Angela. At dahil sikat na silang dalawa sa school at meron na silang mga fans at kulang nalang magpatayo ang mga kaklase nila ng fans club.
Sa pagiging close ni James at Angela nagsimulang magselos at masaktan si Cyril.


#JamesCyril Love story

Chapter 2 part 2


Cyril’s POV after seeing James and Angela’s closeness………


Ang sakit! Bakit ganito?!  Sobrang nakaka selos! Bakit pa kasi ako nagka gusto sa kagaya mo?! Alam ko namang wala akong pag asa sayo! Napaka imposible na magustuhan mo ako! Hindi ako kasing talino ni Angela! Hindi din ako matangkad gaya niya. Pano ka nga naman magkakagusto sa gaya ko na sakto lang. No! It will never happen, ayokong umasa. 😟

Cyril never spoke  to James after niyang makita ang closeness nila ni Angela. Never na niya silang inapproach. Tuluyan siyang umiwas kay Angela.

Lalong nasaktan si Cyril nang lumapit ang ibang mga kaklase nila sa kanya at sinabing “Uy Cyril! Narinig namin sabi ni James hindi ka daw niya gusto! Alam mo bang si Angela talaga ang type niya? Huwag ka na umasa don!”


At para maibsan ang sama ng loob ni Cyril, sinabi niya sa mga kalase niya na “lalong hindi ko naman type si James noh! Ang yabang niya kaya!”


Yung excitement ni Cyril na pumasok ay biglang nawala nawala na parang bula.

Cyril's 2nd POV - Kahit na kinasusuklaman ko na siya! At nyayabangan n ako saknya, Nalulungkot pa rin ako kasi hndi ko na siya nasisilayan simula nung matapos ang summer class, ni hindi ko man lang siya nakausap.





#JamesCyril Love story

Chapter 2 Part 3

Inuman sa apartment ni James........



Sir Kulas: Pass your papers class! Finish or not finish!

Dan: Psst! James! Tapos na final exam! San tayo mamaya?
James: Saan pa ba? Eh di sa apartment ko! Shot tayo!
Dan: Oo sige ba!
James: Hintayin mo ako sa labas ng classroom, yayain ko si Sir Kulas!

James: Sir! Tapos na final exam! Tara inum naman tayo?
Sir Kulas: Mag checheck pako ng papers niyo oh!
James: Sige na sir! Malapit lang naman apartment ko dito e, kasama natin si Dan.
Sir Kulas: Sige na nga! Pero hindi ako iinum ng marami ha?!
James: Sige po Sir salamat! see you!

Dahil paborito ni Sir Kulas si James hindi na ito tumanggi.

Habang nag iinuman sila Sir Kulas, James at Dan, biglang nagtanong si Sir Kulas kay James kung sino ba talaga ang crush niya sa klase?

Sir Kulas: James, Sino ba talaga ang crush mo sa klase???
James: Bakit po???
Sir Kulas: Curious lang ang mga ka klase mo kung si Angela ba o si Cyril?
James: Matalino po si Angela at maganda.
Sir Kulas: Type mo ba siya?
James: ☺
Sir Kulas: E si Cyril?
James: Maganda at matalino din si Cyril.
Sir Kulas: Ah pareho sila. Sino sa kanila?
James: ☺ Tama na nga yan! Kampay na! Haha!

Hindi sanay sa mga ganitong klaseng tanong si James. Yung mga tipong pang hot seat ang tanong. Namamawis ang kili kili niya sa mga tanong ni Sir Kulas!

Napapasarap ang inuman! Tipsy na silang tatlo.
Naisip hiramin ni James ang class card kay Sir Kulas. Pagkakataon na ni James ito para makita ang phone number at email address ni Cyril.


James: Sir patingin naman ng class cards min ok lang ba? May titgnan lang ako.
Sir Kulas: Sige ba! Naku e si Angela yan for sure! Haha!


Oo nalang ang sinagot ni James para lang tigilan siya ni Sir Kulas sa pang tutukso kay Angela.


Pero hindi alam ni Sir Kulas na yung information ni Cyril ang tinitignan niya. Matalino si James, kaya minemorized niya yung phone number at email address ni Cyril at para na fin hindi mahalata ni Sir Kulas.



#JamesCyril Love story

Chapter 3 Part 1

Malapit na ang enrollment....


Magpapasukan n ulit. Inalam ni Cyril ang buong pangalan ni James. At nang malaman niya, agad agad niyang hinanap sa friendster si James.

Hindi inadd ni Cyril si James, Habang tinititigan niya nag profile ni James gutong gusto niyang i message si James ng ... "Hoy lalake! Bakit ang yabang mo? Kala mo gwapo ka?"....


Pero nagdalwang isip siya kaya hndi niya ito ginawa..
Hanggang sa lagi nag nasa isip ni Cyril si James, pinagiisipan niyang mabuti kung iadd niya ba si James o hindi?

Cyril: Pag inadd ko siya, baka isipin niya may gusto ako sa kanya! Sige na nga! Bahala na! Ito na talaga to...i memessage ko na siya.....


Nang biglang may nag pop up sa message..

Insert pic here........

Ang galit na nararamdaman ni Cyril kay James ay napalitan ng kilig!


James: Ok lng ba na add kita?
Cyril: Oo naman☺
James: Wala bang magagalit?
Cyril: Wala po ☺
James:May Bf ka na?
Cyril: Wala po☺
James: 😊
Cyril: Pano mo pala ako nalaman email address ko?
James: Nag inuman kami ni Dan, Kasama si Sir Kulas, Hiniram ko kay Sir Kulas classcards natin, tapos minemorize ko yung information mo.
Cyril: Ah ganun ba? Pero bakit po?
James: Kasi gusto kita maka usap. Ayaw mo yata?
Cyril: Tungkol saan? E sinabi mo nga sa mga classmates natin noon na hindi mo ako type, kasi si Angela ang gusto mo.Siya nalang kaya kausapin mo?
James: Galit ka ba?
Cyril: Hindi! Sige out nako..
James: Sandali! Kelan ka ulit mag oonline??
Cyril: Hindi ko po alam.
James: Pwede ko ba kunin # mo? Kung okay lang?
Cyril: 09220000000
James: Thank you 😉


Mula noon ay lagi ng tinatawagan ni James si Cyril. Inaabot sila ng madaling araw, pero balewala ang puyat kc worth it naman ang pag uusap nila. Ilang araw silang puyat sa pag uusap. Unli call eh! 2 months mahigit nilang pinapa kilig ang isat isa through calls.




#JamesCyril Love story

Chapter 3 Part 2

Kilig moments through phone calls....


Hindi na sila umabot sa matagal na ligawan, dahil pareho naman nilang gusto ang isa't isa.

Habang nag uusap sa phone si Cyril at James...

Cyril: B1! naiisip mo ba ang naiisip ko?
James: Oo B2!
Cyril: Sige nga, ano naiisip mo?
James: Ikaw muna, ano naiisip mo?
Cyril: Hindi matatapos toh haha magpupuyat nanaman tayo.
James: Sabihin mo na.. mag aalas dose na oh.
Cyril: Ikaw na mauna magsabi kung anong iniisip mo.
James: O sige! Pwede ba tayong mag date?
Cyril: Saan?
James: Sa magic mall.
Cyril: Ano gagawin natin dun?
James: Manonood ng sine.
Cyril: Oh sige.. pero saglit lang tayo ha? Baka kasi may makakita sa atin. Alam mo naman na bawal ako sumama sa mga lalaki. Baka ano isipin nila.
James: Wag ka mag alala.. ako kasama mo..You're in good hands..
Cyril: Promise?
James: I promise..


Pagkatapos nilang manood ng sine at kumain......


James: Okay ba yung movie? Nagustuhan mo ba?
Cyril: Oo naman.
James: Ako din gusto kita! Ah yung movie I mean nagustuhan ko din 😊
James: E yung pagkain kanina okay ba?
Cyril: Hmm oo okay yung food.
James: Ikaw din, Okay sa akin.. I mean okay nga yung food masarap! 😁
Cyril: Haha! Okay. Salamat kanina ha?
James: Wala yun! Sus! Ikaw pa ba?!
Cyril: Ano na ginagawa mo?
James: Ito, iniisip ka 😉 Can I ask you something?
Cyril: Sure...ano yun?
James: Mamaya nalang pala.
Cyril: Ano nga yun? Bilis tanong ka na.. Aabutin nanaman tayo ng madaling araw sige ka hehe..
James: Sige na nga! Ano kasi..
Cyril: Ano? Antok nako.
James: Will you be my girlfriend?
Cyril: Seryoso ka?
James: Oo..
Cyril: YES!!!!
James: Ang saya saya ko!!!!!!! Mark mo calendar! August 3,2009! I love you!
Cyril: I love you too😍
James: Gusto ko tawagan natin.... HEART ❤
Cyril: Teka bakit Heart?
James: Kasi gusto ko Heart ❤ ang tawag ko sa magiging asawa ko!






#JamesCyril Love story

Chapter 3 Part 3

Its official.......
Pasukan na! Laging excited pumasok si Cyril James.

Palaging hinahatid ni James si Cyril sa classroom niya, at pag uwi naman hinahatid din niya si Cyril sa sakayan ng jeep.

Sa tanghali naman sinusundo ni James si Cyril at sabay silang nag memerienda sa canteen.

Tapos pag uwian, hinihintay ni James si Cyril sa classroom niya at hinahatid niya sa sakayan ng jeep.

Naging  araw araw nilang routine ito, walang palya yan.

3 months silang ganito.

Sa apartment ni James madalas sila tumatambay, Naglalakad lang sila mula sa school papuntang apartment, 20 meters lang kasi ang layo na apartment sa school. Minsan ay dun sin sila sabay nag lulunch. Bibili muna sila ng ulam sa canteen ipapatake nila at kakainin nila sa apartment ni James. Sa apartment ni James na din sila nagpapahinga pag sobrang stress na sa exams.


After a month, bumili si James ng motor.At sa sa sobrang pagmamahal ni James kay Cyril pinaukit niya ang pangalan ni Cyril at pangalan niya na James gamit ang metal at dinikit sa side by side ng motor niya.May nakadikit din na numbe 03 sa harap nito.

Pinagtitinginan sila ng mga schoolmates nila sa campus. Kitang kita kasi yung pangalan nilang dalawa sa motor ni James.

Ngayong may motor na si James, madalas sila pumunta sa highway malapit sa mall, dun sila bumibili ng pagkain at dadalhin sa apartment ni James. Minsan pag wala ang teachers nila at wala na silang pasok, uuwi sila sa Alcala nagmomotor lng sila papunta doon. 40 minutes from Urdaneta to Alcala, kahit mejo malayo okay lang sa kanila basta nag eenjoy silang kasama ang isa't isa.
James: Heart! Mag 6 months na tayo!
Cyril: Oo nga malapit na ang monthsary natin, san tayo? Ano balak mo?
James: Sa dati...Sa greenwich dun sa magic mall urdaneta, kung saan tayo madala kumain.
Cyril: Ok lang pero hindi ka ba nag sasawa doon?
James: Hindi, hindi naman nakaka sawa e, parang ikaw lang Heart, hindi nakaka sawa :)


Sa greenwich magic mall urdaneta…………

Biglang nagpaalam si James kay Cyril….

James: Heart! Sandali lang ha?! May pupuntahan lang ako. Balik sin ako agad :)
Cyril: Saan ka pupunta?
James: Basta hintayin mo lang ako jan.
Cyril: Okay.


After 45 minutes………


Tinatawagan na ni Cyril si James.....Hindi niya alam nasa likod na pala niya si James at may hawak itong flowers.

James: Happy 6th month Heart! Sorry ha? pinag hintay kita ng matagal. ang tagal kasi nung tindera haha! I love you!
Cyril: :) Kaya pala ang tagal mo hmmp!  Salamat heart! I love you too!


Pinagtitinginan si Cyril at James ng mga tao at estudyante sa mall. Ang sweet!


Sweet talaga si James kahit walang okasyon, walang celebrations lagi niyang sinu surprise si Cyril ng flowers. Sinisigurado niyang laging masaya si Cyril.


Hanggang sa naging sikat sila sa school campus nakilala silang dalawa as best couples.






#JamesCyril Love story

Chapter 4 Part 1
Wala akong anak na MALANDI…!

May nagsumbong sa ate ni Cyril na may bf daw siyang Maritime...Pag uwi ni cyril sa bahay agad siyang kinausap ng ate niya….




Cyril’s ate: Cyril, meron ka raw Maritime na bf?
Cyril: Ha?
Cyril’s ate: Kung ako sayo, titigilan ko na yan.Walang magandang maidudulot sayo yan! Babaero yan!
Cyril: Pero ate…sino nagsabi sayo?
Cyril’s ate: May nagturo sa akin kung sino siya! At may nakaka kita sayo na mga classmates ko!

Dahil sa takot ni Cyril tinaggi niya na may bf siyang Maritime. Iniiwan ni Cyril ang mga flowers na bigay ni James kung saan saan, pero hindi niya ito sinasabi dahil ayaw niya masaktan si James.

Todo ang pag de deny ni Cyril sa twing tinatanong siya ng mga magulang at mga kapatid niya. Halos mabingi na si Cyril sa mga pangaral sa kanya twing uuwi siya.

Patuloy pa din ang patagong relasyon ni Cyril at James, Gabi gabi pag magka usap sila sa phone, Iniiyak nalang ni Cyril lahat ng sama ng loob niya sa mga sinasabi ng magulang at kapatid niya tungkol kay James.


Hanggang sa isang araw ginabi si Cyril ng pag uwi, dahil sa projects sa school.
Sinundo siya ni James sa gate ng school para ihatid sa paradahan ng jeep pauwi sa Binalonan.

Sa gate mismo nandun ang isa sa mga kaklase ng ate ni Cyril at nakita si Cyril na naka angkas sa motor ni James.


Kinakabahan si Cyril pag dating sa bahay, dahil alam na niyang sinumbong siya ng classmate ng ate niya.
Pagdating niya, diretso agad siya sa kwarto niya. Mag didinner na dapat sila kaya lang hindi siya bumaba dahil natatakot siya sa Daddy nia.

Daddy: Nasan na ba si Cyril? Kakain na tayo ah! bakit ba ayaw pa niyang bumaba?! At bakit late na siyang umuwi?!
Cyril’s ate: Dad, nakita daw si Cyril ng classmate ko kanina, naka angkas daw sa motor!
Daddy: Ano?! anak ng……! Kaninong motor?! At sino ang lalaking iyon?!
Cyril’s ate: Yung Maritime Dad. Yung babaerong seaman.

Daddy: CYRIL……………………………!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! BUMABA KA DIYAN! NGAYON NA!

Takot na takot si Cyril at hindi alam ang gagawin, dahil sumisigaw na ang Daddy niya sa baba at inapa baba na siya pero ayaw pa rin niyang bumaba.

Galit na galit na umakyat ang Daddy niya....Sinipa ng Daddy niya ang pinto hanggang sa tuluyan itong nasira.

Cyril: Sorry po Daddy, hindi na po mauulit…umiiyak niyang sabi…

Agad siyang sinampal ng daddy niya, at sinabing “WALA AKONG ANAK NA MALANDI”!

Tuloy ang pag mamaka awa ni Cyril sa Daddy niya....Hanggang sa dumating ang kuya ni Cyril, at inawat ang Daddy nila.

Patuloy sa pag iyak si Cyril. Galit silang lahat kay James. Gusto nilang iwasan ni Cyril si James dahil wala daw magandang maidudulot ito sa kanya. Kinuha ng Daddy ni cyril ang phone niya, at sinabing huwag na siyang mag aral.

#JamesCyril Love story

Chapter 4 Part 2

Legal na kami!


Dahil kinuha ng Daddy ni Cyril ang phone niya, Lihim niyang hinihiram ang phone sa kasambahay nila, para makausap si James.
Kinuwento ni Cyril lahat ng nangyari sa kanya. Labis na nag alala si James.
Dahil sa kalungkutan ni Cyril hindi siya nakaka kain ng maayos, sobrang namayat siya. Natatakot din siyang humarap sa hapag kainan dahil galit pa rin sa kanya ang Daddy niya.

Dahil hindi na makatiis si James, nag decide siyang pumunta sa bahay nila Cyril.

James: Pupunta ako dyan sa bahay niyo bukas!
Cyril: Wag! please wag!
James: Bakit hindi?! gusto ko lang naman patunayan sa family mo na hindi masama ang intensyon ko sayo!
Cyril: Wag ka na pumunta dito! baka saktan ka lang ni Daddy. Hindi mo siya kilala.

03:00 pm. Dumating si James sa bahay nila Cyril……
Kinakabahan si Cyril, dahil hindi niya alam kung anong pwedeng gawin ng Daddy niya kay James.

Agad na nag mano si James sa Mommy at lola ni Cyril.
Maayos namang hinarap si James ng pamilya ni Cyril. Nagpabili pa nga ng merienda ang Mommy ni Cyril Ininterview si James ng mga magulang ni Cyril, Inabot ng gabi si James a bahay nila Cyril.

Naging maayos ang usapan…..naging panatag ang mga magulang ni Cyril kay James.

Hanggang sa palagi nang bumibisita si James sa bahay nila Cyril, at naging legal na sila. Hindi na nagalit ang Daddy ni Cyril kay James, dahil napatunayan na ni James na malinis talaga ang intensiyon niya kay Cyril. At nakikita ng magulang ni Cyril na nirerespeto ni James ang anak nila.
Kaya naman pinapayagan na ng Daddy niyang ihatid at sunduin siya araw araw ni James.

Active at kilala na sa school campus si Cyril, hanggang sa naging isa siya sa mga cheerdancer ng campus.
Ginagabi sa pag pa practice ng sayaw si Cyril.

10:00pm……………………

James: Heart! kamusta practice?
Cyril: Eto pagod, pero nawala na pagod ko kasi andyan kana :)
James: Halika na heart, ihahatid na kita sa bahay niyo. Isuot mo tong jacket para hindi ka ma pasma.:)
Cyril: Salamat heart.

Ganito ang routine nila palagi.

Yung dating galit na magulang ni Cyril, ngayon ay tuwang tuwa na, dahil nakikita nila na may nag aalaga sa anak nila.

Nagtagal ang relasyon nila ng 1 year and 7 months.




#JamesCyril Love story

Chapter 4 Part 3

February 13, 2011……………

Dahil sa pagseselos ni Cyril, dumating sila sa point na lagi na silang hindi nag kakaintindihan. Si Cyril lagi ang gumagawa ng away dahil pagseselos nito, halos lahat ng nakikita niyang kausap ni James pinagseselosan niya. Madalas na niyang inaaway si James. And there are times na napupuno na din si James sa kanya at isang araw, pinatulan na niya si Cyril sa paraan na tiniis niyang hindi kausapin si Cyril ng ilang araw.

Hanggang sa nag papa pansin na si Cyril sa kanya, palagi niya itong ginugulo, mimemessage ng kung ano ano para lang mag reply sa kanya si James.

Dumarating sa point na nasasaktan na ni Cyril ang sarili niya dahil sa pagtitiis ni James sa kanya. Hindi na rin sila nag papansinan sa school khit magkasalubong sila, para silang hindi magkakilala.


Marami sa mga schoolmates nila ang nakaka pansin sa kanila, infact madami ang natutuwa sa tuwing di sila okay, dahil ayaw nila si Cyril para kay James, Sa kadahilanan na hindi daw siya nababagay kay James. Naging usap usapan din sila sa PUNP Campus. Pareho kasi silang kilala at sikat sa school.


Nahihirapang makisama si Cyril sa mga kaibigan ni James, dahil ung mga taong ayaw niya, yun naman yung mga ka close ni James. Walang magawa si Cyril nung mga panahon na yun. pinilit na lang niyang pakisamahan ang mga kaibigan ni James at tanggapin sa buhay niya dahil mahal sila ni James kaya ang bulag bulagan at nag bingi bingihan nalang si Cyril.

Paulit ulit pa rin ang pag aaway nila,  paulit ulit din yung pag seselos ni Cyril kay James.
Sa sobrang pagmmahalan nilang dalawa, hindi nila namamalayan na nasasakal na nila ang isat isa. Nakalimutan na din nila na meron pa pala silang mga kaibigan na nagmamahal sa kanila.

Hindi na sila naging masaya sa isa't isa. Paulit ulit ding tinitiis ni James si Cyril.
Naawa na si Cyril sa sarili niya, ganun din si James.

Na realized nila n nakakapagod na pala at nakakasawa na din ang relasyon nila. Yung dating sweetness na pinapa ramdam nila sa isat isa ay napalitan ng bitterness.

Hanggang sa gumising nalng si Cyril isang araw at sinabi niya sa sarili niya na “Ayoko na, pagod na ako, hindi ko na siya hinahanap”.

Labis na nag alala si James ng hindi na nagpapa ramdam si Cyril sa kanya. Nagkakalabuan na talaga silang dalawa.Naging matigas na ang puso ni Cyril dahil nahihirapan siya  sa tuwing nag aaway sila.









#JamesCyril Love story

Chapter 5 Part 1

Maghiwalay na tayo………………………

Nagpunta si James sa bahay nila Cyril around 5:00am. Lasing na lasing siya kasama niya ang mga kaibigan niya. Pinilit kausapin ni James si Cyril…………………………

Cyril: Anong ginagawa mo dito? Lasing na lasing ka pa!
James: Mag usap tayo please?
Cyril: Saan ba kayo galing ng mga kaibigan mo?! Naka motor pa kayo!
James: Galing kami sa Alcala! Sa inuman!
Cyril: James, Kailangan na muna natin mag hiwalay.
James: Eh di sige! Maghiwalay na tayo! tinatanggap ko yan! Hindi ko lang akalain na susuko ka!

Labis na nasaktan si James ng makipag hiwalay sa kanya si Cyril, He did not expect it.
Nagalit ng sobra si James kay Cyril. Lahat ng lumalabas sa bibig ni James about kay Cyril ay puro hndi maganda.

lahat ng friends ni James ay galit din kay Cyril nung nalaman nilang nakipag break siya kay James.
Pero intindi nalang ni Cyril yun kasi alam niyang nasaktan niya si James. Nanahimik na lang siya.

Lahat ng friends ni James ay nandyan para sa kanya para icomfort siya. Hindi siya iniwan ng mga kaibigan niya, samantalang si Cyril ay nag iisa iniwan siya ng kaibigan niya, sarili lang niya ang karamay niya sa mga panahong ito.


James POV - Hindi ko ine expect na iiwan mo ako. Akala ko mahal mo ako?! Sobrang sakit ng ginawa mo! I never imagined na mangyayari sa atin ito.


Cyril’s POV - Ako ang nang iwan pero bakit labis akong nasasaktan? Iniwan kita para maging masaya ka. Wag mo sana isipin na iniwan kita dahil hindi na kita mahal.


After the break up…………


Wala na si James sa PUNP, hinihintay nalang ni James ang graduation niya. Sobrang nalungkot at nagdilim ang buhay ni Cyril ng hindi na niya nakikita si James. Obviously namimiss niya si James, namimiss niya yung mga good times nila, yung sweet conversation sa phone. Yung kulitan nila sa apartment ni James, yung pag date nila sa greenwich, yung mga surprise flowers. Madalas siyang absent sa klase, hanggang sa unti unti ng napalaya ni Cyril si James at natutunan niyang mahalin ang sarili niya.

Nawalan sila ng communication for almost 5 years…

Hindi na din sila nagkita, Napakaimposible na talaga na magtago pa ang landas nilang dalawa.
Hindi na umasa si Cyril na magkikita pa silang dalawa.





#JamesCyril Love story

Chapter 5 Part 2

December 2013


Laking gulat ni Cyril ng may matanggap siyang email...

James: Merry Christmas!

Halo halo ang nararamdaman ni Cyril nung mga panahong yun!

Cyril: Merry Christmas and Happy New Year din sayo!


James: Kamusta ka na Ate?
Cyril: Okay naman! kuya ikaw? Huwag mo na akong tawaging ate kasi hindi pa naman ako matanda! :)
James: Hahaha! naks! Parang gaya lang ng dati ah. Nasa barko na ako!
Cyril: Good for you. Buti naalala mo pa email address ko?
James: Oo naman, memorize ko pa rin naman email mo hanggang ngayon :) Buti nag open ka ng email.
Cyril: May chinecheck lang ako. May Facebook ka?
James: Oo meron.
Cyril: Pwede kita i add?
James: Oo naman!


At nagkaroon ulit sila ng communication, pero paputol putol dahil bihira lang magkaroon ng internet si James.

Hindi na kayang itago ni Cyril ang nararamdaman niya para James. Sinagot na ng Panginoon ang matagal niyang pinag dadasal. Matagal na pinagdasal ni Cyril na ibalik ni Lord sa kanya si James.

And this is it! Magkausap na ulit sila, ipinangako ni cyril sa sarili niya na hinding hindi na niya papakawalan si James.

Nang magkaroon ng pagkakataon na makapag usap ulit sila ay sinabi na ni Cyril lahat lahat ng nararamdaman niya. Sinabi niyang na mahal na mahal pa din niya si James...

Pero si James talagang matigas ang puso...Pero hindi huminto si Cyril sa pagpaparamdam saknya.

Hindi napagod si Cyril...Umasa siya na mapapatawad siya ni James sa ginawa niyang pag iwan noon.

Matagal niyang sinuyo si James kaso wala talaga, mukhang wala ng pag asa. Ayaw na makinig ni James kay Cyril, Ayaw na niyang maniwala..


After how many months, umuwi si James sa Pilipinas. Nang malaman ni Cyril na nasa Pilipinas si James nag emergency leave agad si Cyril sa company niya sa Dubai for 7 days. Pinayagan naman siya ng boss niya. Hndi alam ng parents niya na uuwi siya ng Pilipinas at hindi din nagpakita si Cyril sa magulang niya o sa kahit kanino.

Cyril: Magkita tayo pag uwi mo sito sa Pinas, Ipaglalaban kita! - Ito ang sabi ni Cyril kay James.
Hindi naniniwala si James na umuwi ng Pinas si Cyril, kaya hindi siya sumipot.
Umuwi ng Pangasinan si Cyril, pinuntahan niya si James sa bahay nila. Nakita niya dun si James kasama ang Mommy niya at mga kapatid. Hindi na tumuloy si Cyril dahil naunahan na siya ng takot, dahil nakita niya kung gaano na kasaya si James at maayos na ang buhay niya.

Ayaw ng guluhin ni Cyril si James, kaya bumalik na lang siya ng Manila sa Heritage Hotel siya tumuloy. Nang makita niya si James nag decide na lang siyang bumalik sa Dubai.

Pagdating ni Cyril sa Dubai nakatanggap siya ng message sa FB galing kay James.

James: Kamusta? Natuloy ka bang umuwi dito sa Pinas?

Sasagutin sana ni Cyril ang message kaya lang blinock siya ni James.

Labis na nalungkot si Cyril, kaya naman hinayaan nalang niya si James.







#JamesCyril Love story

Chapter 5 Part 3


Together again………………………



Nagulat si Cyril ng biglang nag paramdam si James…


James: Bakit mo ako iniwan?

Ilang beses ipinaliwanag ni Cyril ang dahilan sa kanya pero paulit ulit pa din niyang tinatanong kung bakit.
Naging okay ang pag uusap nila hanggang sa nag decide silang maging friends.


March 03 2015………………

Umuwi sa Pinas si Cyril for vacation, 20 days lang dapat ang bakasyon niya, pero na extend ng 2 months, dahil sa pag hihintay niya kay James.

Cyril - “Bahala na kung mataggal ako sa company ko sa Dubai ..mas importante sa akin si James”.


April 14 2015……

Sinundo ni Cyril si James sa Airport…Sa sobrang kaba ni Cyril pinagpapawisan siya at hindi mapalagay, dahil hindi niya alam kung anong magiging reaction ni James pag nagkita sila ulit. Hinanda nalang niya sarili niya kung ano man mangyari.
 
Finally dumating na si James. Nakita na siya ni Cyril naglalakad, Nagtago si Cyril dahil hindi niya alam kung pano niya iaapproach si James.

Nagpunta si Cyril sa likuran ni James habang naglalakad at…………


Cyril: Pwede bang makipag kilala sayo Sir?


Napahinto sa paglalakad si James at hindi nakapag salita.
Tinititigan niya lang si Cyril ng matagal, wala siyang sinabi, biglang niyakap ni James si Cyril ng mahigpit.
Walang nag iimikan sa kanilang dalawa habang naglalakad sila papunta sa taxi.

Nang malapit na sila sa taxi, Biglang  hinila ni James si Cyril. Tinitigan nya si cyril at hinawakan niya ang mukha nito.

James: “I love you”'..

Hindi na nakapag salita si Cyril, Natahimik nalang siya.Nagulat siya sa sinabi ni James.

Hanggang sa……

Cyril: “I  love you too”..

Pagsakay nila sa taxi, hinila ni James si Cyril palapit saknya..Hinawakan niya ang kamay nito, hinahaplos niya.Niyakap niya si Cyril ng mahigpit na mahigpit. Walang nag kikibuan sa kanilang dalawa sa loob ng taxi.

Hanggang sa makarating sila sa Sofitel. Hanggang sa makauwi na sila sa Pangasinan hindi pa din nila pinaguusapan ang nakaraan nila. Parang walang nangyari, parang walang galit. Halata sa kanilang dalawa na na miss nila ang isat isa.


Nung magkita sila pagmamahal ang bumalot sa kanila. Yun ang nanaig kaysa sa galit.
Hindi na nila binalikan yung mga tanong nila sa sarili nila dati.


#JamesCyril Love story

Chapter 6


May 7 2015, She said yes!



Nagsama si Cyril at James for 3 weeks……

1st week- Niyaya ni Cyril si James sa bahay nila, dahil birthday ng Mommy niya.

2nd Week- Pumunta sila sa Baguio, nag bonding sila ng bonggang bongga, sinusubukan nilang ibalik yung dati. At hindi sila binigo ng tadhana.

3rd week -Nag Decide mag Sagada si James at Cyril, dito isinigaw ni James na may forever! at dito naging sila ulit. They both realized that they still love each other.
James: Heart! Gusto kong malaman mo na mahal na mahal parin kita. At hindi ako natatakot na magsimula ulit.

After 3 weeks dumating na ang araw na aalis na si Cyril, babalik na siya sa Dubai

Babalik siya ng Dubai para tapusin ang kontrata niya.

Hindi lubos inakala ni Cyril na dun sa airport magp proposed si James.

Sumama si James sa airport kasama ang Mommy, Daddy at isang kapatid ni Cyril.



Habang inaantay nila ang boarding time ni Cyril sa eroplano pabalik ng Dubai, umupo muna sila sa habang nag aantay, dun n naka buwelo si James, Tumabi siya agad sa parents ni Cyril.

Sabay sabi… Tita, Ipapa alam ko po sana si Cyril..

Walang nagsasalita sa kanila...


Habang nakaupo sila, Nasa harap ni James si Cyril, nakatayo habang nakatitig kayJames at kinakanta ang “All of me by John Legend”

'Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning
Cause I give you all of me
And you give me all of you, oh..

Dun na nakakuha ng perfect timing si James.
Hinawakan ni James ang  kamay ni Cyril Sabay hugot sa bulsa si James at  biglang sinuotan ng singsing si Cyril.

James: Heart.. Will you ....

Marry me??

Cyril: ( natahimik ) Yes!! sabay iyakan umiyak siya at niyakap si James ng mahigpit na mahigpit


Hindi niya inakala na sa harap ng parents niya mag proposed si James.

Sobrang saya ni Cyril, pakiramdam niya siya na yung pinaka masayang babae sa buong mundo..

Pag dating ni Cyril sa Dubai, palagi na silang magkausap, hanggang sa nakasampa na ulit si James sa barko.

Tuloy ang communication nila…………

Cyril: Heart! Malapit ng matapos contract ko dito sa Dubai..Malapit na akong bumalik sa Pinas.
Hihintayin ko pag babalik mo heart. I love you!

James: I love you too heart...Malapit na akong umuwi diyan, pag uwi ko pag usapan natin yung kasal natin.




End.







No comments:

Post a Comment