Sunday, January 17, 2016

#MalingAkala Part 1

#MalingAkala Part 1

2 years na ako sa company at ojt ka noon, naalala ko pa tinuturuan kita dahil hindi mo pa alam ang gagawin mo. Dun nagsimula ang closeness natin, sinasabayan mo akong kumain, magyosi, sabay tayong umuwi…Hanggang sa naging close tayo, at napansin yun ng mga ka opisina natin.

Naalala ko sa akin ka sin palaging kumokonek sa pocket wifi ko, ikaw pa nga ang nag chacharge nito kapag lowbat na…Lagi ko kasing dala yun dahil nag iinternet ako madalas sa opisina at may ka chat akong cute na lalake na itago natin sa pangalang “ Voyager”. Isa siyang seaman.

Lasi ko siyang kinukwento sayo, at nakikita mo kaming magka chat, minsan nababasa mo pa nga.
Lasi mo tinatanong, sino ba ka chat ko? bakit ko siya ka chat, you even ask me kung kinikilig ako o mahal ko na siya.

Hanggang sa isang araw everything changed between me and voyager, nalaman kong may gf na siya.
ang sakit, oo nasaktan ako! sino ba namang hindi diba?!

Ikaw ang nag comfort sa akin noon...sabi mo oo gwapo siya pero hindi siya para sa akin,sabi mo pa nga kalimutan ko na siya, you even ask me to give change to others…Napaisip ako nung sinabe mo yun…

Naisip ko tuloy na may gusto ka sa akin kasi palagi ka nalang naka bunot sa akin, hindi ko alam kung dahil lang ba sa pocket wifi ko kaya ka lapit ng lapit sa akin. Mejo nag assume ako.

Pagkatapos ng company christmas party, usually nagkaka yayaan ng after party kung saan niyaya ako ng Manager ko at mga kasamahan sa opisina, at  niyaya ka din niya… inuman dito inuman doon...hanggang sa nalasing ka…Inexpect ko na aasarin nila tayo pero ang hindi ko inexpect e yung hahalikan mo ako! Oo hinalikan mo ako! sa pisngi lang naman...Inisip ko nalang na baka dahil sa pang aasar ng mga kaibigan ntin kaya nagawa mo yun o kaya’y lasing ka lang talaga.

Kinabukasan, tinanong kita kung naalala mo pa mga nangyari nang after party natin...Sabi mo hindi mo na naalala. Edi wow! So hinayaan ko nalang yun, para sakin wala na yun, kaya lang na bbother ako kasi hndi ko alam kung anong meron tayo.

Nung tayoy’y magkaron ng team building sa  isang resort sa Batangas, Yung mga kaibigan natin inaasar na tayo, our friends are asking kung nanliligaw ka daw ba sa akin o tayo na daw ba?

That time, I don’t know how to react….hindi ko alam kung pano  sasagot sa mga tanong nila, inom nalang ako ng inom ng alak, mejo nahihilo na nga ako nun e. Alak pa more! hahaha! iniiba ko nalang usapan. Natutulog ka na noon hanbang lahat kami ay nag iinuman. Akala ko pa naman yun yung pagkakataon na makakausap kita at matatanong ko kung ano ba talaga tayo?

Lumipas ang mga araw na clueless pa rin ako….

Maaga akong pumasok at nag yosi muna ako, sinamahan moko. At eto na! eto na yung tamang pagkakataon na hinihintay ko, dalawa lang tayo sa yosihan, nasa gilid tayo at bigla kitang tinanong kung nanliligaw ka ba sa akin?

Umasa akong sasagot ka ng matino pero ito ang sinabe mo….

“ Gaano kaya kataas tong building na to ? “

Hindi ko alam kung bakit ka umiwas sa tanong ko, madali lang naman sagutin e, Oo o hindi lang.

So nagmove on nalang ako don, inisip ko nalang na baka hindi mo naman talaga ako bet, baka talagang assuming lang ako, baka talagang mabait ka lang sa akin, Hanggang sa isang araw umamin ka sa akin na BAKLA ka pala! Hayup ka! hahaha! Kaya naman pala hindi ka makasagot sa tanong ko sayo!

That explains it all, ngayon alam ko na, malinaw na sa akin ang lahat, nasagot na yung matagal ko ng tanong sayo.

No comments:

Post a Comment