Saturday, January 16, 2016

#LDR

#LDR

3rd year high school si Melay at 4th year high school naman si Mark. Maganda si Melay,matalino, sexy malaki ang boobs at nag iisang anak. Kumbaga si Melay yung hot student na laging na nonominate na muse sa klase. Si Mark naman ay hindi kagwapuhan, matalino pero mayaman, Maraming suitors si Melay, pero marami din siyang haters. Parati siyang tinatawag na maarte, malandi at pokpok. Si Mark ang lagi niyang tagapagtanggol. Hindi sila pero matagal ng may gusto si Mark ka Melay.

Melay: Ayoko sayo! friends lang tayo!
Mark: Ang tanging pangarap ko lang naman bago ako grumaduate ay maging girlfriend kita!

Hindi tinigilan ni Mark si Melay. College na sila pareho nung sinagot ni Melay si Mark, natutunan niya itong mahalin dahil sa effort na ginagawa nito araw araw. Magkahiwalay sila ng school, pero ang effort ni Mark kay Melay ay kakaiba. Pinakilala ni Mark si Melay sa magulang niya sa mga kaibigan, ganun din si Melay. Pinupuntahan niya ito sa school nila at dinadalhan ng pagkain. Sinusundo niya ito araw araw at every Saturday silang nag mamall. Pagka uwi sa bahay tinetext ni Mark palagi si Melay ng….

Mark: Nasa bahay ka na ba? Sana kumain ka na, wag papagutom! I love you.
Mark: Goodnight Baby! See you in my dreams!
Mark: Sana pag gising mo ako agad ang nasa isip mo…

Yan mga ganyang sweet messages..

Nang maka graduate silang dalawa sa College, nka hanap agad ng work si Melay, habang si Mark naman ay nag desisyon na maging seaman.

LDR sila...mahirap daw sobra sabi ni Melay...Palagi niyang namimiss si Mark. Everything went well, Their relationship lasted for 8 years. Until one day, everything changed.

Niyaya ako ni Melay magkape, umiiyak siya sa akin habang sinasabi ito: Nagbago si Mark ng hindi alam ni Melay ang dahilan. Hindi na siya sweet, hindi na siya kagaya ng dati, hindi na niya ako tinatawagan, hindi niya sinasagot ang tawag ko, puro padala nalang siya sa akin ng pera. 1 year na kaming ganito, on and off. Gustong gusto ko ng batukan si Melay, gustong gusto kong sabihin na ang tanga niya! Pero hindi ko sinabi, dahil kaibigan ko siya.

Umuwi si Mark at pinakilala niya ito sa amin. Inoobserbahan ko silang dalawa..and this is what I observe.

Palaging nauuna maglakad si Mark naiiwan si Melay.
Hindi hinahawakan ni Mark ang kamay ni Melay.
Nauunang sumakay sa jeep si Mark.
Hindi nag rerespond si Mark kapag hinahalikan siya ni Melay.

Base on what I observed, walang spark at sweetness sa kanilang dalawa, well may sweetness kay Melay pero sa part ni Mark, waley!



Palaging umiiyak si Melay sa akin...Sabi ko sa kanya, bakit kasi hindi mo pa iwan? marami naman jan!
Ang daling sabihin diba? pero mahirap gawin. Ganun pala pag sobrang mahal mo yung isang tao, kahit na nagbago na siya sayo at kahit alam mong ikaw nalang ang lumalaban sa relasyon niyo hindi ka parin susuko kasi nga mahal mo.

Ganun ba talaga pag LDR Long distance relationship?

No comments:

Post a Comment