Saturday, January 16, 2016

#MalingAkala Part 2

#MalingAkala Part 2

Halos 6 months akong tambay at walang trabaho kaya naman tuwang tuwa ako dahil tinawagan ako ng HR ng kumpanyang pinag tatrabahuan ko ngaun. Job offer daw at contract signing sa Wednesday 9:00am.
Muntik pa akong ma late dahil naligaw ako. Doon ko unang nakilala si Mr. M1 at Mr. M2. Si M1 matangkad kayumanggi mukang arabo, si M2 naman katamtaman ang taas, cute, maputi, matangos ang ilong. Hindi ko na ipagkakaila na crush ko siya! Oo crush ko siya!

Maaga akong pumapasok palagi para lang makita si M2, Tapos kinikilig ako pag katabi ko siya sa inuman at inaabutan niya ako ng pagkain, tinetext ko pa yan kung kumain na siya, papsok ba siya? nakakatulog pa ba siya? Kung anong oras siya papasok? Mga landi texts ganun. Pero laging si M1 ang sumagot sa mga tect ko, magkasama kasi sila sa apartment. Hindi ako nag hihinala na may something sila malay ko ba diba?!

So inisp ko nalang na busy lang si M2 kaya si M1 ang inuutusan niya mag reply sa akin.

Dumating pa sa point na si M1 na ang naging crush ko dahil nga siya palagi ang nakaka usap ko. Kami talaga ang naging close, palagi niyang shinashare ang baon niya sa akin, hanggang sa siya na yung nilalandi ko pero bakit ganun? walang epekto? Kahit sa inuman hinihipuan ko na siya pero wala talaga dedma lang siya! Naisip ko tuloy, may mali ba? may kulang ba sakin? wala naman ah hahaha!

Halos dalawang taon kaming magkakasama sa trabaho pero hindi ko manlang napansin na si M1 pla at M2 ay mag jowa!

Pano ko nalaman? Maraming beses na muntik ko na silang mahuli pero magaling silang magtago...As in!

Una:
Isang gabi nagka yayaan ang office tropapipz na mag overnight sa bahay ng isa naming ka opisina.
Nag inom sila mga tig dalawang bote, hindi ako uminom kasi gusto ko matino ako. Nung mattulog na kami tumabi ako kay M1, wala dedma siya....Ayaw niyang is hare ang kumot! Nang tulog na lahat at ako nalang gising, si M2 tumabi kay M1 at share sila ng kumot, How sweet diba? ! haha.,samantalang ako lang kanina ang katabi ni M1, pinagdamot pa ang kumot!




Pangalawa:

Nakitext sa akin si M1, tinanong ko siya kung sino ang ittext niya, sabi niya si M2 daw.
Nang ibalik ni M1 ang phone ko may nagtext! Hindi ko ito binasa. Sabi niya sa akin wag ko daw basahin.
Pinag agawan namin ang phone ko dahil gusto kong basahin ang reply ni M2! kaya lang hindi ako nagtagumpay, agad niya itong nabura at dko na nabasa pa. Pero dahil magaling ako na retrieve ko ang message na binura niya! hahaha. Iyon ang patunay na si M1 at M2 nga ay mag jowa!

Pangatlo:

Nag halfday si M1, naiwan si M2. Nang maka baba na si M1, nagmamadali bumaba si M2, tinanong ko si M2 kung saan siya pupunta, sabi niya may ihahatid lang dw siya! Tinanong ko kung sino, hindi siya sumagot! Sinundan ko siya sa baba, only to find out na si M1 pala ang ihahatid niya1 hahaha huling huli na diba pero ayaw pa rin umamin.tsk!

No comments:

Post a Comment