Saturday, January 16, 2016

#FirstKiss

#FirstKiss

silhouette_of_a_first_kiss_0071-0804-1516-4931_SMU.jpg

Can you still remember your first kiss?

My first kiss happened when I was 2nd year highschool. Itago natin siya sa pangalang Mr. EB.
Fiesta noon sa barangay namin, after class niyaya ako ni Mae na mamasyal sa barangay. Maraming palarong pambata, maraming nagtitinda ng pagkain, may mga gay contest, Ms. Baranggay, Ginoong Barangay at meron ding nagtitinda ng mga damit, bag at sapatos.

Dun kami dumeretso ng kaibigan kong si Mae sa mga nagtitinda ng damit. agad ako ng hanap ng mga damit at lumapit ang isang lalake sakin.. Hi Miss! ano hinahanap mo?, damit ba o ako? Wow! lakas ng loob ni koya n tanungin ako ng ganun diba lang?!

Sumagot ako ako ng pabalang! sabi ko ano sa tingin mo hinahanap ko? pagkain?! Sabay walk out ako! Hinabol ako ni Mae at nag sorry siya sakin. Sabi niya kaibigan daw niya yung tindero ng damit, pasensiya na daw kung nabastusan ako.

Sa totoo lang,  hindi naman ako nabastusan sa kanya, buti nalang cute siya! :)

Mag isa nalang akong umuwi dahil nagpaiwan si Mae sa pwesto ni Mr. EB.

Pag uwi ko sa bahay may nagtext!

09194449444
Hello Miss!

Sino 2?

Si Mr. EB ito, sorry kanina kung nabastusan ka sakin. Balik ka dto libre na yung damit na bibilhin mo! :)

Ayoko! wala naman magkasya sa akin e!

Patuloy niya akong kinukulit sa kakatext. This guy is getting so makulit! Hanggang sa nagsimula na siyang manligaw sa akin, hindi nako nagpakipot kasi crush ko sin naman siya!, matangkad, maputi, makinis, at mabango!. Sinusundo niya ako sa labas ng school namin, tapos sa park malapit sa bahay namin kami palaging tumatambay...Nililibre niya ako ng buko juice at bananaque. Hinahatid niya ako pauwi.
Nagpatuloy yun ng 2 months. Hanggang sa sinagot ko na siya...Kami na…! Now what?!

Sa park kung saan kami palaging nag date, tinanong niya ako kung pwede niya akong halikan? Kasi kami na daw! Na shock ako ng bongga dahil hindi ako marunong humalik! anong gagawin ko? paano? Meron bang tutorial 101 kung pano humalik? Siyempre wala nun nung mga panahong iyon.

Hinalikan ko siya ng smack sa lips! dahil iyon lang ang alam ko at yun ang madali! hahaha
Sabi niya sa akin para daw akong bata humalik! Sabi niya tuturuan niya ako!
Nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan! isang matinding halik! Hindi ko iyon makakalimutan, at simula noon alam ko na ang pagkakaiba ng French kiss at Torrid kiss! hahaha


Ikaw naalala mo pa ba ang first kiss mo?

No comments:

Post a Comment