#Mr.KKB
Mayaman si Bea 33 years old at single, may sariling sasakyan, at sariling bahay, siya yung tipo ng babae na kahit hindi na mag trabaho e mabubuhay. Napaka independent, kaso masungit. Hindi siya basta basta nakikipag usap sa mga lalake sa opisina.
Hanggang sa may isang lalake na naglakas loob na lumapit sa kanya at makipag kaibigan. Si Mr. KKB! Matangkad, Hindi siya kagwapuhan, pero friendly, makulit at parating nag papatawa, nakuha niya ang loob ni Bea dahil napapa tawa niya ito pag nag susungit.
Dumating sa point na sinama ako ni Bea sa lakad nila, Sunday yun, nagsimba kaming tatlo at niyaya nila akong kumain. Ineexpect ko na manlilibre siya kasi mura lang naman yung kinainan namin pero kahit tubig wala! Hindi ko alam kung anong stage na silang dalawa, kung nagliligawan stage or nagdadate lang o naglolokohan or ginagamit lang ni Mr. KKB si Bea, pero isa sa mga yan ay totoo. Alam kong hindi ko na kelangan tanungin kung sila na nga ba or nag dadate lang sila, I know it's none of my business pero out of curiosity tinanong ko pa rin si Bea.
Ako: “Bea, ano na?”
Bea: Anong ano na?
Ako: Nililigawan ka ba ni Mr. KKB? o kayo na?
Bea: Kung anong nakikita mo sa opisina yun na!
So hindi malinaw sa akin kung ano nga talaga sila.
Hindi nagtagal sinabe din ni Bea sakin na nililigawan nga siya ni Mr. KKB , Kaya lang lagi siyang walang pera, laging nagpapa libre, laging humihingi ng baon at yosi. Binansagan siyang Mr. KKB sa opisina dahil sa twing yayayain niya si Bea gumala ay KKB sila. Tumagal yun ng 2 months hanggang sa nagsawa na si Bea sa kanya, sino ba namang hindi magsasawa? Hindi na sila nag usap simula nun, hindi na sila nagpansinan.
Humingi ng tulong sa akin si Mr. KKB para makausap si Bea, ginawa ko naman lahat ng makakaya ko kaya lang matigas si Bea, ang sabi niya sa akin ayaw n daw niyang makipag usap sa taong walang pera! Aray ko beh!
Sabi ni Mr. KKB, mahal daw niya si Bea. Sabi ko naman kung talagang mahal mo siya e mag ipon ka para may pambili ka naman ng kahit tubig lang pag nauuhaw si Bea. Haha!
No comments:
Post a Comment