Sunday, January 17, 2016

#MalingAkala Part 1

#MalingAkala Part 1

2 years na ako sa company at ojt ka noon, naalala ko pa tinuturuan kita dahil hindi mo pa alam ang gagawin mo. Dun nagsimula ang closeness natin, sinasabayan mo akong kumain, magyosi, sabay tayong umuwi…Hanggang sa naging close tayo, at napansin yun ng mga ka opisina natin.

Naalala ko sa akin ka sin palaging kumokonek sa pocket wifi ko, ikaw pa nga ang nag chacharge nito kapag lowbat na…Lagi ko kasing dala yun dahil nag iinternet ako madalas sa opisina at may ka chat akong cute na lalake na itago natin sa pangalang “ Voyager”. Isa siyang seaman.

Lasi ko siyang kinukwento sayo, at nakikita mo kaming magka chat, minsan nababasa mo pa nga.
Lasi mo tinatanong, sino ba ka chat ko? bakit ko siya ka chat, you even ask me kung kinikilig ako o mahal ko na siya.

Hanggang sa isang araw everything changed between me and voyager, nalaman kong may gf na siya.
ang sakit, oo nasaktan ako! sino ba namang hindi diba?!

Ikaw ang nag comfort sa akin noon...sabi mo oo gwapo siya pero hindi siya para sa akin,sabi mo pa nga kalimutan ko na siya, you even ask me to give change to others…Napaisip ako nung sinabe mo yun…

Naisip ko tuloy na may gusto ka sa akin kasi palagi ka nalang naka bunot sa akin, hindi ko alam kung dahil lang ba sa pocket wifi ko kaya ka lapit ng lapit sa akin. Mejo nag assume ako.

Pagkatapos ng company christmas party, usually nagkaka yayaan ng after party kung saan niyaya ako ng Manager ko at mga kasamahan sa opisina, at  niyaya ka din niya… inuman dito inuman doon...hanggang sa nalasing ka…Inexpect ko na aasarin nila tayo pero ang hindi ko inexpect e yung hahalikan mo ako! Oo hinalikan mo ako! sa pisngi lang naman...Inisip ko nalang na baka dahil sa pang aasar ng mga kaibigan ntin kaya nagawa mo yun o kaya’y lasing ka lang talaga.

Kinabukasan, tinanong kita kung naalala mo pa mga nangyari nang after party natin...Sabi mo hindi mo na naalala. Edi wow! So hinayaan ko nalang yun, para sakin wala na yun, kaya lang na bbother ako kasi hndi ko alam kung anong meron tayo.

Nung tayoy’y magkaron ng team building sa  isang resort sa Batangas, Yung mga kaibigan natin inaasar na tayo, our friends are asking kung nanliligaw ka daw ba sa akin o tayo na daw ba?

That time, I don’t know how to react….hindi ko alam kung pano  sasagot sa mga tanong nila, inom nalang ako ng inom ng alak, mejo nahihilo na nga ako nun e. Alak pa more! hahaha! iniiba ko nalang usapan. Natutulog ka na noon hanbang lahat kami ay nag iinuman. Akala ko pa naman yun yung pagkakataon na makakausap kita at matatanong ko kung ano ba talaga tayo?

Lumipas ang mga araw na clueless pa rin ako….

Maaga akong pumasok at nag yosi muna ako, sinamahan moko. At eto na! eto na yung tamang pagkakataon na hinihintay ko, dalawa lang tayo sa yosihan, nasa gilid tayo at bigla kitang tinanong kung nanliligaw ka ba sa akin?

Umasa akong sasagot ka ng matino pero ito ang sinabe mo….

“ Gaano kaya kataas tong building na to ? “

Hindi ko alam kung bakit ka umiwas sa tanong ko, madali lang naman sagutin e, Oo o hindi lang.

So nagmove on nalang ako don, inisip ko nalang na baka hindi mo naman talaga ako bet, baka talagang assuming lang ako, baka talagang mabait ka lang sa akin, Hanggang sa isang araw umamin ka sa akin na BAKLA ka pala! Hayup ka! hahaha! Kaya naman pala hindi ka makasagot sa tanong ko sayo!

That explains it all, ngayon alam ko na, malinaw na sa akin ang lahat, nasagot na yung matagal ko ng tanong sayo.

It's wrong, but it feels right

It's wrong, but it feels right


June 20th 2014, when he started asking me to go out on a dinner date with him at a seafood restaurant in MOA.
because it's my day off that night, I decided to go out with him. We met at MOA around 8:00pm, I was late because of traffic, I arrived around 8:30pm.

We sat outside the seafood restaurant to smoke while waiting for our food to serve. We were facing each other while smoking, and then he stood up and he seated beside me. Our topic that night was all about random things, we were talking about anything under the sun. It was fun because there was no dull and dead air moments.

After we eat, he grabbed my hand and he said that “c’mon let’s walk like couples, while he’s holding my hand and walking he said that he likes me, and I was not expecting that. He is a sweet guy, gentlemen, smart, he has a good sense of humor.

It was raining that night and we were supposed to go home. While we were waiting for a taxi he said that he doesn’t want to go home yet, he asked me if we can go somewhere. Alam niyo na kung saan yun!

I was not attracted at him at first, but after a month I started liking him. One day I saw him in our office, only to find out that we work at the same place. I was shocked because he told me that he is working on a different place.

Our landian moments lasted for almost 3 months. And then one day I thought everything was okay between the two of us, we text, we chat, we hang out. And then one night we were supposed to meet, he send me a message saying that he already have a girlfriend for 2 years and her girlfriend is on a vacation, his office mates knew his gf. He said he was afraid that his office mates will know about me and him.

I'am physically and emotionally falling for him, I thought he is the one for me, but I'm wrong, He lied to me. I'm supposed to get angry but I can't, I don't know why? He asked me if we can just keep our relationship a secret.

And because I really like him so much, pumayag ako, inisip ko nalang na okay na to kesa naman wala.

Nag set kami ng mga rules.

Limited lang ang oras namin pag magkasama kami.
May mga oras na hindi ako pwedeng mag text o mag chat sa kanya.
Iba ang names niya sa phone ko, iba rin ang name ko sa phone niya.
Hindi niya ako pwedeng sunduin at ihatid sa mismong bahay namin.
Sa office pag nagkasalubong kami, hindi kami pwedeng mag pansinan.


Pumayag ako sa ganitong set up dahil gusto ko siya at tanga ako.


Naging other girl niya ako. Ako yung tinatawagan niya pag hindi siya pinagbibigyan ng gf niya.
Ako yung tinatawagan niya kapag wala siyang kasamang kumain.
Ako yung nag aalaga sa kanya kapag nalalasing siya at naliligo sa sarili niyang suka.
Ako yung nag papangiti sa kanya kapag malungkot siya.
Ako yung taga hilot niya pag masakit ang ulo niya.
Ako yung laging nanjan kapag wala siyang makausap.
Ako yung nakikinig sa non sense niyang jokes.
Ako yung nakikinig sa kanta niyang mali mali ang lyrics.
Ako ang audience niya kapag nag sasayaw siya na parang baliw.
Ako yung nakikipag sayaw sa kanya kahit walang music.

In short, I’m the one who is always there for him. Martir ang peg! Minsan gusto ko na siyang iwan , pero parang may pumipigil sa akin.
Sabi ng isa kong kaibigan “Maybe because his gf cannot give him you can”.
Minsan gusto kong mabasa kung anong nasa isip niya, para makita ko kung nandun ba ako?

Ipinagpatuloy namin ang sikretong relasyon namin, kahit alam kong mali ito, masaya ako e, masaya kami.

We celebrated Valentine’s day, Christmas ,New Year, my Birthday and his birthday
on a different date.
Kailangan namin palaging magtago. Noong pumayag akong maging other girl niya I told him that I fully understand this kind of set up.
I know that he is committed with someone else, but we never talk about her gf.

Minsan umasa ako na magiging kami,kahit alam kong malabo, minsan gusto kong sabihin na mahal ko siya pero wag nalang, alam ko naman kasi kung sino talaga ang mahal niya at kung ano talaga ako sa buhay niya.

Everytime he holds my hand  it feels right, Everytime he hugs me, it feels right, Everytime he says he misses me it feels right, Everytime he kisses me it feels right. Everytime were together it feels right, but at the back of my mind it is wrong. It is wrong to love someone who is already in love with someone else.

Mr. Voyager

Mr. Voyager

Dahil bored ako, dinownload ko ang Chatimity na app kung saan marami kang pwedeng maka chat at makausap! Group chat siya, natuwa ako dahil sa sa bawat chat ko at pag add ng friends dun ay nagkaka points ako, pwede ka rin mag pm sa mga naka online dun, pero madalas sa group chat kaming lahat nag uusap. Si Voyager ang unang naka chat ko doon,Nag pm ako sa kanya! yes! ako ang naunang mag message sa kanya! Wala naman sigurong masama dun diba?

Seaman siya, loving son, brother and a good friend, mahilig magpatawa sa chat room, Malabo ang profile picture niya, natatandaan ko naka yellow shirt siya noon sa prof. pic niya.Chinat ko siya,Chika dito, chika doon, then I asked him to send me a picture. Nagpadala siya ng picture niya, nagulat ako! ang pogi! Crush ko na siya! Simula nun lagi ko na siyang kausap, inaabanagan ko siya sa chat room.May mga pagkakataong nagiging sweet kami sa chat, pero madalas nag aasaran kami, at hindi naman ako pikon sinasabayan ko lang siya. Hanggang sa nag set sila ng GEB- Grand eyeball, yung mag memeet kayong lahat. Nagdadalawang isip ako noon kung pupunta ako o hindi. Pinilit nila akong pumunta para daw magkita na kami.

02:00 pm yun sa Coffee Bean sa Megamall. Nagsinungaling pa ako nun sa parents ko, sabi ko mga ka trabaho ko ang kasama ko doon at mag cocoffee lang kami.
Hindi pa ako nakaka pasok sa Coffee Bean nakita ko na si Voyager, Well, siya talaga ang una kong hinanap, wala akong pakialam sa iba! hahaha. Pag pasok ko sa Coffee Bean agad ako lumapit sa kanya! Mas pogi pala siya sa personal! Inaasar kami ng lahat non, nahihiya ako, naka tingin siya sa akin! ang saya saya ko non, sa kanya lang naka tuon ang atensyon ko, pero ayokong ipa halata na gustong gusto ko siya.

Matapos kaming magkape, nagka yayaan silang mag videoke na may kasamang inuman, maaga pa naman kaya sige sumama nako, nag eenjoy ako e, ikaw ba naman kasama mo yung crush mo hindi ka mag eenjoy?! hahaha! Katabi ko siya nun marami kaming pictures together, I kept those pictures on my phone. Konti lang nainom ko, siya medyo madaming nainom, super late na ng matapos kaming mag videoke. It’s past 12 midnight, hinahanap nako sa amin. Nag dahilan nalang ako na umaga nako uuwi.

Niyaya niya akong mag check in nalng kami since late na… pumayag ako sh*t pagkakataon ko na yun e! kaso hindi natuloy dahil nag usap sila ni P.Lady :(  Inisip ko nalang na this is not my night! Better luck next time! Asa pa ako diba!

Nagkayayaan ulit ng GEB sa MOA naman! Sobrang excited ako nun at nagkita ulit kami for the 2nd time. Kilig na kilig ako, dahil habang naglalakd kami inaakbayan niya ako, feel na feel ko yung moment na yun! Feeling ko ako ang GF niya at siya naman ang BF ko! :) Madalas iniiwan nila kami para makapag moment. Parang slow motion lahat ang pangyayari. Yung tipong nagsasalita siya pero ni isang word wala ako maintindihan kasi sa mukha niya lang ako nakatingin, I’m sure you’ve all experience that. Nung mga panahong yun feeling ko talaga mahal ko na siya! Gusto ko nang aminin sa kanya e kaso di ko magawa! Nahihiya ako, kasi ako na nga nauna magchat sa kanya tapos ako pa unang aamin na mahal ko na siya! Wow lang dba! Baka ano pa isipin niya!

Nagpigil na muna ako….Nagpatuloy ang pag uusap namin sa chat, pang aasar niya sakin, pagpapa cute ko sa kanya, ang pang aasar ng mga kaibigan namin. Hanggang sa isang araw I smell something fishy...I knew that something is going on...something is going on between him and another girl on chatimity. Ayoko mag assume… pero tama nga ang hinala ko. Nag tatawagan sila ng “MINE”. Patuloy silang sweet sa isat isa sa chatroom habang ako taga basa na lang ng mga sweet messages nila sa isa’t isa!
Ang sakit! Napakasakit! I was about to tell him that I like him, kaso biglang ganun?! Panira si Ate mong girl.

Alam ko namang wala akong laban kay Ate mong girl kasi maganda siya, matangkad, mabait, mahinhin, matalino, parang lahat na yata nasa kanya! Oo bagay sila! bagay na bagay! Ang bitter ko sa kanilang dalawa noon! Nagkaron pa ng 3rd GEB celebration ng birthday ni Voyager. Matindi ang mga eksena sa aming tatlo dahil pinag tabi tabi nila kami. Ang hirap nasasaktan ako na nakikita silang magka holding hands, gusto kong tumakbo at wag na bumalik, kaso hindi ko magawa, nagkukunwari nalang ako na okay lang ako. Kunwari hindi ko nalang sila nakikita.

Pagkatapos naming kumain sa Shakey's , nagka yayaan silang uminom. Umalis na noon si Ate mong girl, hinatid siya ni Voyager.
Haay buti naman, masososlo na kita! haha. Pagka alis ni Ate mong girl, nagkaroon kami ng pagkakataong mag usap. Sinabi ko na sa kanya kung anong totoong feelings ko for him, wala nakong pakialam! Hindi ko na inisip kung anong ssabhin at iisipin niya at nila. Basta masabi ko lang yung gusto kong sabihin.

So ayun… sinabi ko na...sinabi ko na gusto ko siya… Alam naman daw niya yun… gusto din daw niya ako kaya lang ayaw niya akong saktan. Ayaw niya akong mawala, ayaw niyang maging kami kasi kapag daw naging kami we will just end up breaking each others heart. Okay… na gets ko na ang gusto niang iparating. The 7 letter word F R I E N D S! Ouch! ang sakit! na friendzone ako!

Nagchat ako sa kanya sa KIK. Sinabi ko sa kanya na maghihintay ako. Sabi niya sa akin wag na daw coz he’s not the one for me, makakahanap din daw ako ng iba. Edi okay...Patuloy ang relasyon nila, yung sweetness nila sa chatroom, halos hindi ako makasingit dahil puro silang dalawa lang ang nag uusap don. So i decided na mag laylow. Matagal akong nawala sa Chatimity, nag move on ako mag isa...Naisip ko din kasi na wala akong pag asa.. I didn't know what happened between the two of them, hanggang sa nagkayayaan ng 4th GEB, wala noon si Voyager dahil bumalik na siya sa barko. Nabalitaan ko nalang na break na sila and I don’t know how or what is the reason why they broke up.

Katabi ko sa inuman noon si ate mong girl, I asked her what happened to them? she just said that its complicated, hindi na daw sila nagkakasundo so they decided to end the relation. She did not tell me of the details.
Nung mga panahon na yun hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kung magiging masaya ba ako dahil wala na sila, or masasayangan ba ako sa relation nila. Hindi ko alam, maybe because naka move na ako. :)

Nagyon hindi na ako nag chachat sa Chatimity….And then one day, nakita ko nalang ang mga pictures ni ate mong girl sa wechat na engaged na siya and soon she’s getting married. I can see that she’s already happy with her current bf. Nakikita ko rin  si Voyager sa FB, I saw that he’s also happy with her current Gf. Now I can say that I’m happy for both of them. :) Me and Voyager are good friends now.

Haay pag ibig nga naman, Minsan akala mo siya na, yun pala dumaan lang siya sa buhay mo para pasayahin ka at paiyakin ka.

Saturday, January 16, 2016

#LDR

#LDR

3rd year high school si Melay at 4th year high school naman si Mark. Maganda si Melay,matalino, sexy malaki ang boobs at nag iisang anak. Kumbaga si Melay yung hot student na laging na nonominate na muse sa klase. Si Mark naman ay hindi kagwapuhan, matalino pero mayaman, Maraming suitors si Melay, pero marami din siyang haters. Parati siyang tinatawag na maarte, malandi at pokpok. Si Mark ang lagi niyang tagapagtanggol. Hindi sila pero matagal ng may gusto si Mark ka Melay.

Melay: Ayoko sayo! friends lang tayo!
Mark: Ang tanging pangarap ko lang naman bago ako grumaduate ay maging girlfriend kita!

Hindi tinigilan ni Mark si Melay. College na sila pareho nung sinagot ni Melay si Mark, natutunan niya itong mahalin dahil sa effort na ginagawa nito araw araw. Magkahiwalay sila ng school, pero ang effort ni Mark kay Melay ay kakaiba. Pinakilala ni Mark si Melay sa magulang niya sa mga kaibigan, ganun din si Melay. Pinupuntahan niya ito sa school nila at dinadalhan ng pagkain. Sinusundo niya ito araw araw at every Saturday silang nag mamall. Pagka uwi sa bahay tinetext ni Mark palagi si Melay ng….

Mark: Nasa bahay ka na ba? Sana kumain ka na, wag papagutom! I love you.
Mark: Goodnight Baby! See you in my dreams!
Mark: Sana pag gising mo ako agad ang nasa isip mo…

Yan mga ganyang sweet messages..

Nang maka graduate silang dalawa sa College, nka hanap agad ng work si Melay, habang si Mark naman ay nag desisyon na maging seaman.

LDR sila...mahirap daw sobra sabi ni Melay...Palagi niyang namimiss si Mark. Everything went well, Their relationship lasted for 8 years. Until one day, everything changed.

Niyaya ako ni Melay magkape, umiiyak siya sa akin habang sinasabi ito: Nagbago si Mark ng hindi alam ni Melay ang dahilan. Hindi na siya sweet, hindi na siya kagaya ng dati, hindi na niya ako tinatawagan, hindi niya sinasagot ang tawag ko, puro padala nalang siya sa akin ng pera. 1 year na kaming ganito, on and off. Gustong gusto ko ng batukan si Melay, gustong gusto kong sabihin na ang tanga niya! Pero hindi ko sinabi, dahil kaibigan ko siya.

Umuwi si Mark at pinakilala niya ito sa amin. Inoobserbahan ko silang dalawa..and this is what I observe.

Palaging nauuna maglakad si Mark naiiwan si Melay.
Hindi hinahawakan ni Mark ang kamay ni Melay.
Nauunang sumakay sa jeep si Mark.
Hindi nag rerespond si Mark kapag hinahalikan siya ni Melay.

Base on what I observed, walang spark at sweetness sa kanilang dalawa, well may sweetness kay Melay pero sa part ni Mark, waley!



Palaging umiiyak si Melay sa akin...Sabi ko sa kanya, bakit kasi hindi mo pa iwan? marami naman jan!
Ang daling sabihin diba? pero mahirap gawin. Ganun pala pag sobrang mahal mo yung isang tao, kahit na nagbago na siya sayo at kahit alam mong ikaw nalang ang lumalaban sa relasyon niyo hindi ka parin susuko kasi nga mahal mo.

Ganun ba talaga pag LDR Long distance relationship?

#Mr.KKB

#Mr.KKB

Mayaman si Bea 33 years old at single, may sariling sasakyan, at sariling bahay, siya yung tipo ng babae na kahit hindi na mag trabaho e mabubuhay. Napaka independent, kaso masungit. Hindi siya basta basta nakikipag usap sa mga lalake sa opisina.

Hanggang sa may isang lalake na naglakas loob na lumapit sa kanya at makipag kaibigan. Si Mr. KKB! Matangkad, Hindi siya kagwapuhan, pero friendly, makulit at parating nag papatawa, nakuha niya ang loob ni Bea dahil napapa tawa niya ito pag nag susungit.

Dumating sa point na sinama ako ni Bea sa lakad nila, Sunday yun, nagsimba kaming tatlo at niyaya nila akong kumain. Ineexpect ko na manlilibre siya kasi mura lang naman yung kinainan namin pero kahit tubig wala! Hindi ko alam kung anong stage na silang dalawa, kung nagliligawan stage or nagdadate lang o naglolokohan or ginagamit lang ni Mr. KKB si Bea, pero isa sa mga yan ay totoo. Alam kong hindi ko na kelangan tanungin kung sila na nga ba or nag dadate lang sila, I know it's none of my business pero out of curiosity tinanong ko pa rin si Bea.

Ako: “Bea, ano na?”
Bea: Anong ano na?
Ako: Nililigawan ka ba ni Mr. KKB? o kayo na?
Bea: Kung anong nakikita mo sa opisina yun na!

So hindi malinaw sa akin kung ano nga talaga sila.

Hindi nagtagal sinabe din ni Bea sakin na nililigawan nga siya ni Mr. KKB , Kaya lang lagi siyang walang pera, laging nagpapa libre, laging humihingi ng baon at yosi. Binansagan siyang Mr. KKB sa opisina dahil sa twing yayayain niya si Bea gumala ay KKB sila. Tumagal yun ng 2 months hanggang sa nagsawa na si Bea sa kanya, sino ba namang hindi magsasawa? Hindi na sila nag usap simula nun, hindi na sila nagpansinan.

Humingi ng tulong sa akin si Mr. KKB para makausap si Bea, ginawa ko naman lahat ng makakaya ko kaya lang matigas si Bea, ang sabi niya sa akin ayaw n daw niyang makipag usap sa taong walang pera! Aray ko beh!

Sabi ni Mr. KKB, mahal daw niya si Bea. Sabi ko naman kung talagang mahal mo siya e mag ipon ka para may pambili ka naman ng kahit tubig lang pag nauuhaw si Bea. Haha!

#FirstKiss

#FirstKiss

silhouette_of_a_first_kiss_0071-0804-1516-4931_SMU.jpg

Can you still remember your first kiss?

My first kiss happened when I was 2nd year highschool. Itago natin siya sa pangalang Mr. EB.
Fiesta noon sa barangay namin, after class niyaya ako ni Mae na mamasyal sa barangay. Maraming palarong pambata, maraming nagtitinda ng pagkain, may mga gay contest, Ms. Baranggay, Ginoong Barangay at meron ding nagtitinda ng mga damit, bag at sapatos.

Dun kami dumeretso ng kaibigan kong si Mae sa mga nagtitinda ng damit. agad ako ng hanap ng mga damit at lumapit ang isang lalake sakin.. Hi Miss! ano hinahanap mo?, damit ba o ako? Wow! lakas ng loob ni koya n tanungin ako ng ganun diba lang?!

Sumagot ako ako ng pabalang! sabi ko ano sa tingin mo hinahanap ko? pagkain?! Sabay walk out ako! Hinabol ako ni Mae at nag sorry siya sakin. Sabi niya kaibigan daw niya yung tindero ng damit, pasensiya na daw kung nabastusan ako.

Sa totoo lang,  hindi naman ako nabastusan sa kanya, buti nalang cute siya! :)

Mag isa nalang akong umuwi dahil nagpaiwan si Mae sa pwesto ni Mr. EB.

Pag uwi ko sa bahay may nagtext!

09194449444
Hello Miss!

Sino 2?

Si Mr. EB ito, sorry kanina kung nabastusan ka sakin. Balik ka dto libre na yung damit na bibilhin mo! :)

Ayoko! wala naman magkasya sa akin e!

Patuloy niya akong kinukulit sa kakatext. This guy is getting so makulit! Hanggang sa nagsimula na siyang manligaw sa akin, hindi nako nagpakipot kasi crush ko sin naman siya!, matangkad, maputi, makinis, at mabango!. Sinusundo niya ako sa labas ng school namin, tapos sa park malapit sa bahay namin kami palaging tumatambay...Nililibre niya ako ng buko juice at bananaque. Hinahatid niya ako pauwi.
Nagpatuloy yun ng 2 months. Hanggang sa sinagot ko na siya...Kami na…! Now what?!

Sa park kung saan kami palaging nag date, tinanong niya ako kung pwede niya akong halikan? Kasi kami na daw! Na shock ako ng bongga dahil hindi ako marunong humalik! anong gagawin ko? paano? Meron bang tutorial 101 kung pano humalik? Siyempre wala nun nung mga panahong iyon.

Hinalikan ko siya ng smack sa lips! dahil iyon lang ang alam ko at yun ang madali! hahaha
Sabi niya sa akin para daw akong bata humalik! Sabi niya tuturuan niya ako!
Nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan! isang matinding halik! Hindi ko iyon makakalimutan, at simula noon alam ko na ang pagkakaiba ng French kiss at Torrid kiss! hahaha


Ikaw naalala mo pa ba ang first kiss mo?

#MalingAkala Part 2

#MalingAkala Part 2

Halos 6 months akong tambay at walang trabaho kaya naman tuwang tuwa ako dahil tinawagan ako ng HR ng kumpanyang pinag tatrabahuan ko ngaun. Job offer daw at contract signing sa Wednesday 9:00am.
Muntik pa akong ma late dahil naligaw ako. Doon ko unang nakilala si Mr. M1 at Mr. M2. Si M1 matangkad kayumanggi mukang arabo, si M2 naman katamtaman ang taas, cute, maputi, matangos ang ilong. Hindi ko na ipagkakaila na crush ko siya! Oo crush ko siya!

Maaga akong pumapasok palagi para lang makita si M2, Tapos kinikilig ako pag katabi ko siya sa inuman at inaabutan niya ako ng pagkain, tinetext ko pa yan kung kumain na siya, papsok ba siya? nakakatulog pa ba siya? Kung anong oras siya papasok? Mga landi texts ganun. Pero laging si M1 ang sumagot sa mga tect ko, magkasama kasi sila sa apartment. Hindi ako nag hihinala na may something sila malay ko ba diba?!

So inisp ko nalang na busy lang si M2 kaya si M1 ang inuutusan niya mag reply sa akin.

Dumating pa sa point na si M1 na ang naging crush ko dahil nga siya palagi ang nakaka usap ko. Kami talaga ang naging close, palagi niyang shinashare ang baon niya sa akin, hanggang sa siya na yung nilalandi ko pero bakit ganun? walang epekto? Kahit sa inuman hinihipuan ko na siya pero wala talaga dedma lang siya! Naisip ko tuloy, may mali ba? may kulang ba sakin? wala naman ah hahaha!

Halos dalawang taon kaming magkakasama sa trabaho pero hindi ko manlang napansin na si M1 pla at M2 ay mag jowa!

Pano ko nalaman? Maraming beses na muntik ko na silang mahuli pero magaling silang magtago...As in!

Una:
Isang gabi nagka yayaan ang office tropapipz na mag overnight sa bahay ng isa naming ka opisina.
Nag inom sila mga tig dalawang bote, hindi ako uminom kasi gusto ko matino ako. Nung mattulog na kami tumabi ako kay M1, wala dedma siya....Ayaw niyang is hare ang kumot! Nang tulog na lahat at ako nalang gising, si M2 tumabi kay M1 at share sila ng kumot, How sweet diba? ! haha.,samantalang ako lang kanina ang katabi ni M1, pinagdamot pa ang kumot!




Pangalawa:

Nakitext sa akin si M1, tinanong ko siya kung sino ang ittext niya, sabi niya si M2 daw.
Nang ibalik ni M1 ang phone ko may nagtext! Hindi ko ito binasa. Sabi niya sa akin wag ko daw basahin.
Pinag agawan namin ang phone ko dahil gusto kong basahin ang reply ni M2! kaya lang hindi ako nagtagumpay, agad niya itong nabura at dko na nabasa pa. Pero dahil magaling ako na retrieve ko ang message na binura niya! hahaha. Iyon ang patunay na si M1 at M2 nga ay mag jowa!

Pangatlo:

Nag halfday si M1, naiwan si M2. Nang maka baba na si M1, nagmamadali bumaba si M2, tinanong ko si M2 kung saan siya pupunta, sabi niya may ihahatid lang dw siya! Tinanong ko kung sino, hindi siya sumagot! Sinundan ko siya sa baba, only to find out na si M1 pala ang ihahatid niya1 hahaha huling huli na diba pero ayaw pa rin umamin.tsk!

‪#‎SecretLang‬



Nagsimula lahat sa pang aasar ni lalake...hindi naman sila close dati ni babae...hindi alam ni babae kung bakit isang araw ay inaasar nalang siya ni lalake..
Si lalake ay isang varsity player pero hindi siya mukang varsity player...
Si babae naman ay ordinaryong studyante.
Mag classmate sila sa ibang subjects at dahil mejo tamad si babae ay lagi itong nangongopya ng assignment kay lalake...
Sa twing nakikita ni lalake si babae sa campus ay lagi niya itong hinahabol para lang asarin..
Hanggang sa nagka yayaan sila sa inuman, katatapos ng final exam nila kaya uminom sila ng tig dalawang bote..
Kasama nila ang iba pa nilang classmates...
At dahil nakainom na si lalake, malakas na ang loob nito.
Right there and then umamin si lalake kay babae na may gusto siya kay babae. Silang dalawa lang ang ng uusap nun dahil ngkakantahan ang iba p nilang klasmeyt.
Kinuha ni lalake ang # ni babae.
Pagkauwi ni babae agad siyang tinext ni lalake..
Lalake: Ano na? Gusto nga kita.. gusto ko maging tayo..
Babae: Ha? Lasing ka lang.
Lalake: D ako lasing! Dalawang bote lang un oi!
Babae: Matulog kana!
Lalake: Hndi mo pa nga sinasgot tanong ko e!
Babae: Ayoko nga! May gf ka na e!
Lalake: Ano naman? Kaya nga sikreto lang natin e..cge na payag ka na...
Hanggang sa pumayag si babae dahil napaka kulit ni lalake .. Dahil single si babae..gusto din naman niyang maka experience n magka boyfren kahit secret lang..
Yun tipong magka holding hands sila habang walang nakatingin.. Mga nakaw na halik sa library.. Mga pasimpleng akbay pag nasa computershop habang gumagawa ng assignment..
Yung kunwari ccr si babae pero sisilip pala sa classrum ni lalake..
Yung mga pasimpleng kindat at ngiti...
Yung tipong sabay sila kumain s canteen na hindi nagpapansinan pero magkatabi at mga mata lang nila ang nangungusap.
Nakaka kilig noh?!
Pero.....
Mahirap pala.. mahirap magtago...Mahirap itago...
Hindi ka pwedeng magselos,mag demand, mag assume dahil wala naman nakaka alam na sila kasi sikret nga lang diba...
Hanggang sa nag desisyon nalang si babae na itigil na ito..wala rin patutunguhan...si babae din naman ang talo..
Graduation na....
Hindi na nagparamdam si babae...
Hinahnap ni lalake si babae pero wala...
Hanggang sa nakipag break na si lalake sa gf niya..
Patuloy niyang hinahnap si babae....nang makita niya ito.. huli na ang lahat...si babae ay happily engaged na...
The end..