Mr. Voyager
Dahil bored ako, dinownload ko ang Chatimity na app kung saan marami kang pwedeng maka chat at makausap! Group chat siya, natuwa ako dahil sa sa bawat chat ko at pag add ng friends dun ay nagkaka points ako, pwede ka rin mag pm sa mga naka online dun, pero madalas sa group chat kaming lahat nag uusap. Si Voyager ang unang naka chat ko doon,Nag pm ako sa kanya! yes! ako ang naunang mag message sa kanya! Wala naman sigurong masama dun diba?
Seaman siya, loving son, brother and a good friend, mahilig magpatawa sa chat room, Malabo ang profile picture niya, natatandaan ko naka yellow shirt siya noon sa prof. pic niya.Chinat ko siya,Chika dito, chika doon, then I asked him to send me a picture. Nagpadala siya ng picture niya, nagulat ako! ang pogi! Crush ko na siya! Simula nun lagi ko na siyang kausap, inaabanagan ko siya sa chat room.May mga pagkakataong nagiging sweet kami sa chat, pero madalas nag aasaran kami, at hindi naman ako pikon sinasabayan ko lang siya. Hanggang sa nag set sila ng GEB- Grand eyeball, yung mag memeet kayong lahat. Nagdadalawang isip ako noon kung pupunta ako o hindi. Pinilit nila akong pumunta para daw magkita na kami.
02:00 pm yun sa Coffee Bean sa Megamall. Nagsinungaling pa ako nun sa parents ko, sabi ko mga ka trabaho ko ang kasama ko doon at mag cocoffee lang kami.
Hindi pa ako nakaka pasok sa Coffee Bean nakita ko na si Voyager, Well, siya talaga ang una kong hinanap, wala akong pakialam sa iba! hahaha. Pag pasok ko sa Coffee Bean agad ako lumapit sa kanya! Mas pogi pala siya sa personal! Inaasar kami ng lahat non, nahihiya ako, naka tingin siya sa akin! ang saya saya ko non, sa kanya lang naka tuon ang atensyon ko, pero ayokong ipa halata na gustong gusto ko siya.
Matapos kaming magkape, nagka yayaan silang mag videoke na may kasamang inuman, maaga pa naman kaya sige sumama nako, nag eenjoy ako e, ikaw ba naman kasama mo yung crush mo hindi ka mag eenjoy?! hahaha! Katabi ko siya nun marami kaming pictures together, I kept those pictures on my phone. Konti lang nainom ko, siya medyo madaming nainom, super late na ng matapos kaming mag videoke. It’s past 12 midnight, hinahanap nako sa amin. Nag dahilan nalang ako na umaga nako uuwi.
Niyaya niya akong mag check in nalng kami since late na… pumayag ako sh*t pagkakataon ko na yun e! kaso hindi natuloy dahil nag usap sila ni P.Lady :( Inisip ko nalang na this is not my night! Better luck next time! Asa pa ako diba!
Nagkayayaan ulit ng GEB sa MOA naman! Sobrang excited ako nun at nagkita ulit kami for the 2nd time. Kilig na kilig ako, dahil habang naglalakd kami inaakbayan niya ako, feel na feel ko yung moment na yun! Feeling ko ako ang GF niya at siya naman ang BF ko! :) Madalas iniiwan nila kami para makapag moment. Parang slow motion lahat ang pangyayari. Yung tipong nagsasalita siya pero ni isang word wala ako maintindihan kasi sa mukha niya lang ako nakatingin, I’m sure you’ve all experience that. Nung mga panahong yun feeling ko talaga mahal ko na siya! Gusto ko nang aminin sa kanya e kaso di ko magawa! Nahihiya ako, kasi ako na nga nauna magchat sa kanya tapos ako pa unang aamin na mahal ko na siya! Wow lang dba! Baka ano pa isipin niya!
Nagpigil na muna ako….Nagpatuloy ang pag uusap namin sa chat, pang aasar niya sakin, pagpapa cute ko sa kanya, ang pang aasar ng mga kaibigan namin. Hanggang sa isang araw I smell something fishy...I knew that something is going on...something is going on between him and another girl on chatimity. Ayoko mag assume… pero tama nga ang hinala ko. Nag tatawagan sila ng “MINE”. Patuloy silang sweet sa isat isa sa chatroom habang ako taga basa na lang ng mga sweet messages nila sa isa’t isa!
Ang sakit! Napakasakit! I was about to tell him that I like him, kaso biglang ganun?! Panira si Ate mong girl.
Alam ko namang wala akong laban kay Ate mong girl kasi maganda siya, matangkad, mabait, mahinhin, matalino, parang lahat na yata nasa kanya! Oo bagay sila! bagay na bagay! Ang bitter ko sa kanilang dalawa noon! Nagkaron pa ng 3rd GEB celebration ng birthday ni Voyager. Matindi ang mga eksena sa aming tatlo dahil pinag tabi tabi nila kami. Ang hirap nasasaktan ako na nakikita silang magka holding hands, gusto kong tumakbo at wag na bumalik, kaso hindi ko magawa, nagkukunwari nalang ako na okay lang ako. Kunwari hindi ko nalang sila nakikita.
Pagkatapos naming kumain sa Shakey's , nagka yayaan silang uminom. Umalis na noon si Ate mong girl, hinatid siya ni Voyager.
Haay buti naman, masososlo na kita! haha. Pagka alis ni Ate mong girl, nagkaroon kami ng pagkakataong mag usap. Sinabi ko na sa kanya kung anong totoong feelings ko for him, wala nakong pakialam! Hindi ko na inisip kung anong ssabhin at iisipin niya at nila. Basta masabi ko lang yung gusto kong sabihin.
So ayun… sinabi ko na...sinabi ko na gusto ko siya… Alam naman daw niya yun… gusto din daw niya ako kaya lang ayaw niya akong saktan. Ayaw niya akong mawala, ayaw niyang maging kami kasi kapag daw naging kami we will just end up breaking each others heart. Okay… na gets ko na ang gusto niang iparating. The 7 letter word F R I E N D S! Ouch! ang sakit! na friendzone ako!
Nagchat ako sa kanya sa KIK. Sinabi ko sa kanya na maghihintay ako. Sabi niya sa akin wag na daw coz he’s not the one for me, makakahanap din daw ako ng iba. Edi okay...Patuloy ang relasyon nila, yung sweetness nila sa chatroom, halos hindi ako makasingit dahil puro silang dalawa lang ang nag uusap don. So i decided na mag laylow. Matagal akong nawala sa Chatimity, nag move on ako mag isa...Naisip ko din kasi na wala akong pag asa.. I didn't know what happened between the two of them, hanggang sa nagkayayaan ng 4th GEB, wala noon si Voyager dahil bumalik na siya sa barko. Nabalitaan ko nalang na break na sila and I don’t know how or what is the reason why they broke up.
Katabi ko sa inuman noon si ate mong girl, I asked her what happened to them? she just said that its complicated, hindi na daw sila nagkakasundo so they decided to end the relation. She did not tell me of the details.
Nung mga panahon na yun hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kung magiging masaya ba ako dahil wala na sila, or masasayangan ba ako sa relation nila. Hindi ko alam, maybe because naka move na ako. :)
Nagyon hindi na ako nag chachat sa Chatimity….And then one day, nakita ko nalang ang mga pictures ni ate mong girl sa wechat na engaged na siya and soon she’s getting married. I can see that she’s already happy with her current bf. Nakikita ko rin si Voyager sa FB, I saw that he’s also happy with her current Gf. Now I can say that I’m happy for both of them. :) Me and Voyager are good friends now.
Haay pag ibig nga naman, Minsan akala mo siya na, yun pala dumaan lang siya sa buhay mo para pasayahin ka at paiyakin ka.
No comments:
Post a Comment